Thursday, November 17, 2011

Kabanata 7


Halaga ng Simpleng karunungan

 1 Ang magandang reputasyon ay mas mabuti kaysa 
      mamahaling pabango,

   Ang araw ng pagkamatay kaysa 
      araw ng pagkapanganak.
      
 2 Mas mabuting pumunta sa lamay
      Kaysa pumunta sa party at inuman;
   Dahil sa lamay, maipapa-alala sa mga buhay pa
      na balang araw, mamamatay rin sila.
   Kaya huwag sayangin ang mga araw
      At gumawa ng mabuti habang may hininga.
 
3 Ang kalungkutan ay mas mabuti kaysa tawanan,           
     Sapagkat sa kalungkutan, ang puso’y 
     nagagamit at nalilinisan.
      
4 Nanaisin ng marunong na pumunta sa lamay,
  Subalit ang hangal ay laging magnanais 
      pumunta sa mga kasiyahan.
      
5 Mas mabuting mapagalitan ng marunong    
     Kaysa makinig upang maaliw sa mga 
     sinasabi ng hangal.
      
6 Dahil kasing bilis ng paglaho ng bula,  
     Ay ang paglaho ng tawanan ng hangal.
  Balik ulit sa malungkot na katotohanan.
     Ito ay walang saysay. Sayang lang sa oras.
      
7 Kapag ang marunong ay nang-api, 
      nasisira ang kanyang katuwiran.
  Kapag tumanggap ng suhol, ang kanyang 
      pagkatao’y nahahamak.
      
8 Ang tumapos ay mas mabuti kaysa magsimula;
     Ang pasensyoso at matiisin upang 
     matapos ang sinimulan
  ay mas mabuti kaysa sa taong nagyayabang 
      ng nasimulan
  subalit hindi naman natatapos ng matagumpay.
      
9 Huwag basta-basta nalang magagalit.
  Mainam na ito’y kontrolin.
  Dahil mapagkakamalan kang hangal.
      
10 Huwag sasabihin na,
     “ Bakit mas maganda pa ang nakaraan ko 
       kaysa hinaharap?”     
    Dahil hindi ito tanong ng marurunong.
      
11 Ang Karunungan ay mas mainam 
       kasama ang maraming pera.
    Uunlad ang iyong buhay gamit ang dalawa.

12 Poprotektahan ka ng karunungan at yaman,
       Ngunit karunungan lang ang makapagbibigay ng   
       kakayahang lumigaya sa buhay.
   Karunungan lang ang makapag-papahaba nito.

13 Matuto sa mga nilikha ng Diyos.
       Kung paano sila nilikha, wala nang 
       makakapag-bago noon,
     Ni sila’y nagrereklamo tungkol dito.
     Dahil sino ang makakadiretso ng ginawa 
       Niyang baluktot?
      
14 Kaya kapag masagana ang araw, magsaya ka.
      Ngunit sa araw ng pagsubok, huwag magreklamo 
       at iyong isipin:
    Itinakda ng Diyos ang parehong araw,
       Mabuti ka man o masama, mayaman o mahirap,
       Sinadya ng Diyos ang ganito
    Upang manatiling bulag ang tao 
       sa kanyang hinaharap;
    Upang hindi niya maipagmamayabang na tiyak niya
      ang susunod na mangyayari sa buhay niya
      at dumepende nalang sa sarili niyang talino 
      at kakayahan.

15 Nasaksihan ko ang lahat sa buhay kong walang saysay:

   Ang matuwid na taong namamatay 
   sa paggawa ng tama,
   At ang masama na humahaba ang buhay 
   sa paggawa ng mali.
      
16 Kaya pakatandaan, una, huwag sayangin ang buhay   
    sa pagiging sobrang matuwid;
   Huwag rin sayangin ang buhay 
     sa pagiging sobrang dunong:
   Baka magka-problema ka sa isip. 
   Ikaw rin naman ang masisira.


      
17 Pangalawa, huwag hayaang humantong 
       ang buhay sa sobrang kasalanan,
       o sobrang kahangalan:
    Bakit mo gugustuhing mamatay bago 
       ang iyong takdang oras?
      
18 Mabuting matandaan mo ang una
    At huwag makalimutan ang pangalawa
    Dahil siya na may takot sa Diyos 
     ay mabubuhay ng balance.

      
19 Ang karunungan ay nagbibigay ng lakas 
        sa taong madunong;
    Lakas para maka-iwas sa kasalanan;
    Lakas spiritwal at hindi nakikita!
    Lakas na higit pa sa pinagsanib na pwersa 
         ng sampung pinuno.

20 Dahil lahat ng tao, maski ang marurunong 
       at patas at gumagawa ng kabutihan,
    ay may kahinaan. Sila’y nagkakasala rin.
      
21 Huwag ring seryosohin lahat ng naririnig 
       mong sinasabi tungkol sa’yo,
    At maririnig mo ang paninira ng mga taong 
       nasa ilalim mo.

22 Alam na alam mo ito
   dahil ginagawa mo rin ito dati.
      
 23 Lahat ng ito ay napatunayan ko 
          gamit ang karunungan.
     Sinabi ko dati, “Ako’y magiging marunong. ”;
     Ngunit mas lalo akong dumunong
     Mas lalo kong naisip na wala akong alam.
      
24 Sadyang marami pang bagay na 
        masyadong malalim at masyadong nakatago;
   Sinong makakatuklas sa kanilang lahat?      

25 Isinapuso ko ang pagsasaliksik,
   Upang hanapin ang karunungan at
  ang dahilan sa mga bagay-bagay,
   Upang saliksikin kung bakit masama maging tanga,
   Bakit delikado maging hangal o maging hibang
      

26 At sa kakasaliksik, may natuklasan ako 
        na mas masaklap pa sa kamatayan.
    Ito ay ang malunod sa kahihiyan dahil 
        sa babaeng maalindog;
   Umaaligid  na parang maamong paro-paro;
   Ngunit sa loob-loob ay isang patibong,
   May nakatagong posas na kapag nadagip 
        ay mahirap kumawala.
  Subalit Ang lalaking maka-Diyos 
        ay nakakatakas sa kanya.
  Ang makasalanan ay nahuhulog sa kanyang patibong.
      
27 “ At eto pa ang aking natuklasan,” sabi ng Tagaturo,

      “ Upang matuklasan ang paliwanag 
           sa mga bagay-bagay,
        kinakailangang mapagdugtong-dugtong
        Mo ang isang bagay sa sumunod na isa pa,"
      
28 Na hanggang ngayon ginagawa ko, 
        subalit di parin matapos-tapos:
    Ang kalahati ng sagot sa pala-isipan, 
        akin nang natagpuan,
     Ngunit ang kalahati ay hindi parin makita.

29 Kaya’t eto ang kalahati ng paliwanag 
       na aking natuklasan:
    Paliwanag kung bakit ganito ang buhay ng tao:
      Sa una, ginawa ng Diyos ang lahat ng tao 
        na matuwid,
     Na alam kung ano ang tamang daan.
      
      Ngunit sila rin lang ang pumiling bumaluktot,
      Naghahanap dito, naghahanap doon
      Ginagawa ang kahit na ano na sa tingin nila ay tama.
     
      Kasalanan ang nagtago ng isa pang hati ng sagot;
      Kasalanan ang nag-alis sa halaga ng buhay 
       ng isang tao at gumulo nito

Some Notes:
  • It is unwise to spend so much time in parties, in gatherings, in bars and clubs because life, in reality, is full of troubles, and anytime soon, it will end just like that.Do not live a life of escapism. Face reality! God's word will enlighten you.
  • Spend your days wisely. Living foolishly is a waste of God’s time.
  • It is unwise to compare the present with your past.
  • Natamaan ako sa verse 8. I love to boast on what I will begin. Pero di naman natatapos ng maayos. A story is always judged on its conclusion, not the beginning. It is always at the end of the race will you find victory or defeat, not at the beginning.
  • Wisdom is better than money, but life is better with both.
  • Each of your day is designed by the Lord. On your happy times, rejoice. On trials and tribulations, know that they are also from God. So it is unwise to complain, mumble and grumble. Doing so won’t get you through those trials and tests anyway.
  • To be too righteous means to be self-righteous. To be too sinful means to think sin and live sin all the days of your life. Wisdom will help us avoid both extremes. 
  • So does this mean it is okay to sin a little. Nope. Not on purpose at least. Everyday, you will still sin a little and you won’t even notice it. Don’t think so? Then you have reached the other extreme.
  • Wisdom gives inner strength. It helps us defeat the almost unbeatable urges of our flesh.
  • “The more you become wise the more you realize you do not know.” I thought this was a quote from a great person. Now I know it was written in the bible first.
  • In Solomon’s days, the reputation of a man is so important. His reputation is somehow connected with him being compliant to the law of Moses. Once he falls under the temptress’ trap, his reputation is instantly ripped off.  
  • It is still true today. For example, if a pastor is caught under such situation, his reputation is instantly damaged. Yes, God will forgive Him if he repents. But people will find it hard to trust him as their pastor. Sayang!  
  • In a spiritual sense, I personally think that the whore talks about the world enticing our mind about how rich, successful and famous we can be if we run after her. The truth is, chasing the world will only destroy us. We were all once victim by the spiritual whore. Sadly, many are still falling to her trap.
  • I was amazed when he wrote that to be able to understand fully, you need to connect the dots. This is exactly how I was led to do while reading Ecclesiastes because honestly, the book is hard to understand in its original context (KJV).
  • Why is life under the sun like this? Solomon finds the question too complicated. But part of the answer is simply ‘sin.’ In other words, it is our fault why things are so messed up.

No comments:

Post a Comment