Monday, November 14, 2011

Kabanata 2


Ang Kawalang-saysay ng mga Maka-mundong Bagay
  
1 Sinabi ko sa sarili ko, “Tara, subukan nating mag-aliw-aliw at mag-party buong araw, mag-inuman magdamag! Baka mamaya, hindi talaga totoo ang mapait na katotohanan patungkol sa buhay”, ngunit ito rin ay walang saysay.

2 Ang magtawanan buong araw ay kabaliwan! Anu ba ang napala ko sa pag-party buong magdamag? Bukas ay balik ulit sa buhay na walang saysay.

3  Talagang sinubukan kong maglasing at maghappy-happy na parang hangal, nagbabakasakaling sa aking karunungan ay masabi kong ito marahil ang magbibigay saysay sa buhay ng tao.

4 Di lang yon, inalala ko ang aking mga nagawa sa mundong ito. Ang mga nagawa ko at pinauso ko ay nakatulong sa buong mundo.

5 Nagtayo ako ng maraming gusali. Nagtayo ako ng maraming negosyo. Iba’t-ibang uri! Parang lahat na nga yata ng klase ng negosyo e natayo ko na. At sa mga negosyo ay ang mga produktong nakatulong sa pamumuhay ng bansa.

6 Di lang yon! Ako rin ang nagtayo ng mga negosyong nagsisilbing supplier sa marami kong negosyo at sa negosyo ng mga mamamayan.

7 Sa’kin na tumanda ang mga empleyado sa opisina ko at mga katulong ko sa pamamahay ko. Sa akin na sila nag-kaanak at nagkapamilya. Oo, ako na ang pinakamayamang tao sa balat ng lupa.

 8 May koleksyon rin ako ng bihira at mamahaling ginto at pilak galing sa iba’t ibang kaharian at sa mga nasasakupan ko. At sa yaman ko, bumuo ako ng sarili kong orchestra. Malaki ang binayad ko para sa world-class na kunduktor at mga manunugtog. Malaki ang ginastos ko para sa kalibreng instrumento na kanilang ginagamit.
  
9 Kaya naman mas lalo pa'kong sumikat at mas lalong nakilala kaysa sa kahit na sinong hari dito. Bagamat ang lahat ng ito, hindi parin nawala ang karunungan ko.
      
10 Kinamkam ko lahat ng magustuhan ko;
      Di ko pinagbawalan at tinipid ang sarili ko 
       sa kahit ano.
      
     Nagagalak ako sa mga pinagpaguranko;
     At ang mga maka-mundong bagay na ito ang  
        gantimpala ko sa sarili ko.
 
11 Isang araw, pinagmasdan ko lahat ng mga nagawa ko
        Inalala ang paghihirap sa paggawa;
    At talagang wala paring saysay ang lahat.
    Parang wala akong napala. 
         Walang nadagdag. Walang naiba.
      Ang pagod ko, sa wala rin pala humantong.

Ang katapusan ng Madunong at Hangal
    
12 Nakapag-isip-isip ako patungkol sa karunungan, 
       kahibangan at kahangalan;
    Ano pa ba ang magagawa ng susunod na hari
       Kundi ang mga bagay na nagawa na ng 
       nauna sa kanya.
   
   13Napagtanto ko na kahit na wala na siyang iba 
         pang magagawa, mas mainam parin
      na piliin niya ang pagiging madunong 
         kaysa pagiging hangal;
      Gaya ng liwanag na mas pipiliin ng kahit na sino 
         kaysa kadiliman.
   
   14 Dahit nakikita ng marunong ang dadaanan niya,
      Ngunit ang hangal ay parang bulag na naglalakad.
      
      Subalit kung ano man ang kanyang piliin,
      Pareho parin ang huling hantungan 
          ng marunong at ng hangal
    
   15 Kaya sinabi ko sa sarili ko
      “Kung parehas rin lang ang magiging 
           katapusan ng isang hangal
       At nang isang gaya ko,
       Bakit pa’ko nagpapakahirap maging marunong?”
      Kaya sinabi ko sa sarili ko
     “Ito rin ay walang saysay.”

16  Dahil isang araw, pareho silang malilimutan;
    Lahat ng ngayon ay makakalimutan rin 
       sa mga susunod na araw
    At papaano kamo namamatay ang marunong?
    Edi kung paano namamatay ang hangal!
    Walang pinagkaiba.

 17 kaya kinamuhian ko ang buhay dahil 
        nagpakahirap ako sa wala.
  
18 Kinamuhian ko rin lahat ng pinaghirapan kong gawin 
    dahil iiwanan ko lahat ng ito sa taong susunod sa akin.

19 At malay natin kung marunong o isang hangal ang papalit sa’kin. Gayon pa man, sa kanya parin mapupunta lahat ng pinagpaguran ko. Ito’y walang kwenta. Walang saysay!

20 Kaya ako’y nalungkot para sa sarili ko, para sa pagpapakapagod ko.

21 Dahil ako ay isang taong nagtrabahong may karunungan, kaalaman at kagalingan, subalit iiwan ko lang lahat ng ito sa taong hindi man lang nagpakapagod para dito. Ito’y walang saysay! Walang kwenta! Madaya!

22 Ano ba ang napala ng isang taong nagpapakapagod sa trabaho para makamit ang mga pangarap niya?

23 Di ba’t ang mga araw niya ay malungkot? At ang trabaho niya ay mahirap at nakakapagod? Kahit sa panaginip, nagtatrabaho parin. Walang pahinga! Ito rin ay walang saysay. Nagpapakahirap para mapagod.

24 Tila mas mainam para sa isang tao kung siya ay makuntento sa pag-kain, pag-inom at matuwa sa mga bagay na meron siya ngayon. Sa mga bagay na natamo niya sa kanyang pagtatrabaho. Tila ganito talaga ang disenyo ng Diyos.

25 Kung gayon, sino pa ba ang makakakain at magagalak ng mas higit pa sa’kin na nag-hirap ng lubos para matamo ang lahat ng ito.

26 Subalit may Diyos na libreng nagbibigay ng karunungan, kaalaman at kagalakan sa taong matuwid sa kanyang paningin. At sa makasalanan ibinibigay ng Diyos ang mabigat na trabaho para ang kikitain niya ay maibigay doon sa taong Kanyang kinagigiliwan. Ito rin ay walang saysay.


 
Some Notes:

  • When one feels empty, there is a tendency to ignore it by having fun all the time. It gives you happiness but not joy.
  • Happiness is a feeling stimulated by an external factor. It is temporary.
  • Joy is stirred by something deep inside of us. This is long-term happiness. Happiness that is not dependent on what we see. That even though things are going wrongly, you still have that joy in your heart.
  • Solomon had an experiment. What if he can find meaning to his life by getting drunk? What if he denies himself no pleasure? Will it give him a sense of joy?
  • The answer is quite clear. And it applies to us. Partying all night or getting drunk will not give us the joy and satisfaction we seek. It only gives happiness which does not last for good.
  • We eventually get addicted to things like partying or getting drunk or computer games, etc. as we continuously and desperately seek for other sources of happiness everywhere.
  • Solomon did not become addicted to anything because as he wrote “his wisdom is still with him” while doing those things.
  • Fame and earthly accomplishments do not give meaning either. Why? They do not last. You do not take them with you when you are gone. Sooner or later, you are going to leave them to someone else.
  • Notice that Solomon is trying to find meaning with temporal things in an eternal mindset. Wise people have an eternal mindset. The reason you seek deeper meaning is because you want your life to count for eternity.
  • The whole book of Ecclesiastes is about Solomon’s quest of finding a connection between the temporal (what is visible under the sun) with the eternal (beyond the grave).
  • Verse 22 to 23 are verses I can relate to. There’s nothing wrong with working for your dream. But too much focus on the goal, or hurrying to achieve it, will disable us to enjoy the steps in achieving the dream. Living in the future will disable us to enjoy present life!
  • It happened to me. Hindi pa nga na-aachieve yung dream pero I already felt tired, worn out. I had no time with friends kaya I got used to being alone. Truly, it is in vain if you have achieved your dream but the joy is gone.
  • The last part is my favorite part. Solomon finds it useless to toil and exert effort in seeking knowledge and wisdom and money because there is a God who gives them for free to those whom He favors.
  • So don’t lose heart when you see mean and bad people grow rich. If you live a life that is pleasing to the Lord, He will transfer those riches to your account. Not only spiritual riches, but also earthly riches.

No comments:

Post a Comment