Tuesday, November 15, 2011

Kabanata 4


1 Sumunod kong pinuna ang mga pang-aapi sa balat ng lupa:

      Ayun! Ang luha ng mga naaapi,
          At walang nagpapagaan ng kanilang loob—
      at sa mga nang-aapi ay kapangyarihan 
          na mas malala mang-api kaysa sino.
      At sa kanila, wala ring nagpapagaan ng loob.
        
   2 Kaya naman maswerte parin ang mga 
       nangamatay kesa sa mga nabubuhay pa.
        
   3 Subalit mas maswerte sa dalawa ang sanggol 
       na hindi pa ipinapanganak, na hindi nakakasaksi 
       ng walang saysay na kalupitan sa mundong ibabaw

Ang Kawalang-saysay ng Makasariling Pamumuhay

  
4 Pinuna ko pa nang maiigi at nakitang dahil sa inggit, ang tao ay nagpapakahirap upang makakamit ng marami pa. Dahil sa inggit kaya ang tao gutom na parang buwaya na kakain,tatapak at mang-aapi ng tao para sa kayamanan, kapangyarihan at katanyagan. Ang inggit  ay walang saysay.


       5 Ang hangal ay hindi hahangad ng kung ano,              at sa huli ay magugutom hanggang siya ay 
             tuluyan nang maglaho.
      
       6 Mas mainam parin ang naghahangad ng sapat 
            lang pero tahimik naman ang buhay dahil wala 
            siyang inagrabyado, at nakakapagpahinga ng 
            maayos dahil wala na siyang ibang iniisip pa,
         kuntento na siya sa kung anung meron siya,
      
Kaysa sa taong naghahangad ng marami dahil sa inggit,
Ngunit pagod naman at laging balisa dahil maraming kaaway.

Sa huli, ang pinagpaguran ay walang saysay
dahil hindi pa sapat ang nasa kamay.

Trabaho, trabaho at marami pang trabaho;
pang-aapi, pang-aapi at marami pang kaaway ang maidadagdag.

7 At paglingon ko, nakakita pa ako ng isa pang kawalang-saysay.
        
8 May isang taong nag-iisa, walang kasama, 
       walang pamilya.
  Subalit walang katapusan ang pagtrabaho,
      Dahil hindi makontento sa mga yaman na 
        nakakamit niya.
  Pero ni minsan, di niya naitatanong,

      “ Para kanino ako nagpapakapagod at nagpapakamartir?”
      
   Ito ay talagang walang saysay . Ito’y trahedya ng buhay.

Halaga ng isang Malapit at Tunay na Kaibigan
   
 9 Mainam ang may kasama kaysa wala,
      Dahil mas malaki ang kita ng magkasamang taong   
         nagkaisa sa layunin.
    Ang dalawang utak ay mainam kaysa isa.
      
10 Kapag nadapa ang isa, mayroong tutulong 
        sa kanyang bumangon muli.
    Ngunit kaawa-awa siyang nadapa nang 
        mag-isa at walang kasama,
    Dahil walang tutulong sa kanyang bumangon muli.
      
11 Kapag dalawa ang humiga nang magkasama,
        Pareho silang maiinitan;
    Subalit pano maiinitan ang katawan ng nag-iisa lang?
      
   12 Madali man malupig ang nag-iisa,
          subalit kapag may kasama, 
          malaki ang posibilidad manalo;
       Ang tatlong lalaban nang magkasama 
          ay hindi madaling magagapi.

Nawawala Rin ang kasikatan
     
13 Mas mainam na mahirap pero marunong na binata,
        Kaysa matandang haring hangal na ayaw nang 
        napapagsabihan.
        
    Ang binata’y nanggaling ng preso at naging hari,   
        pinalitan ang una.
    Kahit na pinanganak siyang mahirap sa kaharian,
         Napansin kong lahat ng nasasakupan niya
         Ay tapat at sumusunod sa kanya 
            dahil sa kanyang katatagan.
    Panay ang papuri sa kanya ng mga tao.
      
     Ngunit ang mga taong kilala siya ay unti-unting 
         naglaho sa panahon
     Hanggang sa napalitan ng mga taong hindi na 
         kilala ang pangalawang hari.
     At ang kasikatan niya ay naglaho rin tulad ng 
         naunang hari.
     Ito ay walang saysay!


Some Notes:
  • During Solomon’s time, oppression of the poor is mostly enacted through harsh tax collection.
  • Greed for power is the invisible oppressor of oppressors.
  • Solomon writes that those who are not yet born are in better position than us because they do not witness a world where oppression is an unbearable truth.
  • Many people have envy as their motivation for working. He warns us that envy is meaningless. Why? Because we will never be satisfied by worldly things. If you cannot be contented with where you are now, you will never be contented and happy when you reach your dreams.
  • It is also wrong not to dream. Poverty awaits them.
  • Envy will never bring you a sound and peaceful mind. Envy will make you cross borderlines you know you shouldn't cross. It will turn you to a monster slowly if not repented.  
  • Being alone in life is tragic. Living for nothing is very tragic.
  • It is important to have friends and partners in life. We were not created perfect. We need each other. Companionship is a food for the soul.
  • It is better to be wise and humble than to be high and prideful. If you start at the bottom, then the only way is up and vice versa.
  • Listening to rebukes is an essential part of life. Stop listening to them and you're on your way to your downfall.
  • Fame is also meaningless. It fades with time. You won’t have it in the grave. 
  • It's not a sin to be famous. But if you live your life for it, you're just wasting your time. Let it run after you instead. And remember, stay humble!

No comments:

Post a Comment