Wednesday, November 16, 2011

Kabanata 5

 
Matakot sa Diyos At Tuparin ang iyong mga Pangako
  
1 Maging maingat sa paglakad papasok ng Simbahan. Matuto kang makinig kaysa gumaya sa mga hangal na nag-aalay ng mga salitang hindi seryoso at walang laman. Di nila alam na ito’y kalapastanganan sa Panginoon.  

2 Dahan-dahan sa pagsasalita,
      Ingatang magsabi o mangako sa Diyos nang biglaan;
      Iwasan ang mga salita at pangako na dala lamang 
         ng matinding emosyon
   Dahil ang Diyos ay Hari ng sanlibutan, 
       ikaw ay nilalang lamang;
Ang bawat salita mo Kanyang maalala magpakailanman.
      Kaya mas mainam ang kaunting salita, 
       pero pinag-isipan ng mabuti.
      
3 Dahil tulad ng isang panaginip sa pagtulog 
      na nabubuo dala ng sobrang pagod,
   Panaginip na walang kahulugan, 
      walang saysay at di totoo
   Ay ang pangako ng hangal na nabibisto 
      dala ng sobrang kadadak-dak.
       
4 Kapag ikaw ay nangako sa Diyos, 
      siguraduhing tuparin ito agad;
   Dahil hindi siya natutuwa sa mga hangal 
      na hindi tumutupad ng pangako.
   Tuparin ang iyong pinangako—
        
5 Mas mainam pa nga ang hindi nalang mangako 
     at magsalita kaysa
   mangako at magsalita at hindi ito tuparin.

6 Huwag mong hayaang magkasala ka dahil sa iyong mga salitang walang laman at bigat, mga salitang binigkas mo na hindi mo talaga balak tuparin sa una palang. Huwag mong masabi-sabi sa pari na joke lang ang sinabi mo o isa itong pagkakamali o hindi pagkakaintindihan.  Bakit kailangang mo pang galitin ang Diyos sa iyong mga rason at wasakin Niya lahat ng pinagtrabahuhan mo?

7 Dahil walang saysay ang puro panaginip lang, puro pangarap lang at puro salita lang. Bagkus matakot sa Diyos.



Ang Paglago at Karangalan ay Walang Saysay

 8 Kapag nakita mo ang pang-aapi sa mga mahihirap (buwis), korupsyon sa bansa, at ang pagbaluktot ng hustisya at katuwiran sa isang bayan, huwag ka nang magulat o magtaka. Dahil sa perang makokolekta, hati-hati yan hanggang sa pinakamataas na antas na pinuno.  
  
9 Kung iisipin mo, ganoon talaga. Ang kinita ng tao ay hindi para sa sarili lang niya. Kita ito ng lupa at ito ay karapat-dapat lang na para sa lahat o para sa buong bansa. Kahit ang hari diyan nabubuhay sa mga buwis na nakokolekta.

10 Ngunit  ang taong nabubuhay para lang sa pera,
    kailanman hindi makukuntento sa pera;
   Maski ang taong nabubuhay para lang yumaman,   
    hindi makukuntento sa paglago
   Ito rin ay walang saysay.
      
11 Sa pagdami ng pera,
      Ang mga gastusin ay dumadami rin.
      Kaya anung napala ng may-ari sa pagdami nito?
      Kundi ang makita itong maubos unti-unti?
      
12 Ang tulog ng kumakayod na tao ay mahimbing,
      Dahil kuntento siya sa kinikita niya, 
       maliit man o malaki;
    Ngunit ang kasaganahan ng mayayaman 
       ang magnanakaw ng kanyang tulog;
    Balisa sa pagbabantay at sa kung paano mapaparami.
      
13 May nasaksihan akong hindi kaaya-aya sa mundong ito:
      Ang yaman ay iniipon para sana 
          sa magandang kinabukasan,
      Ngunit sa hinagpis napupunta.
      
14 Nang dahil sa di-inaasahang trahedya, 
          ang lahat ng inipon ay nawala.
    Nang magka-anak, wala man lang 
          mapangkain sa kanya.
      
15 Nakahubad siyang nanggaling sa sinapupunan ng ina niya,
    Nakahubad rin siyang maglalaho.
    Wala siyang kahit na ano nung siya’y dumating;
    Wala rin siyang madadala
     Sa mga pinaghirapan niya noong nabubuhay pa siya.
 
 16 At ito’y tunay na kalupitan—
      Kung ano ang tao nang ipinanganak –nakahubad at walang-wala
     Ay ganon rin mamamatay.
    Ano napala niya sa pagtatrabaho? 
    Sa pagkakapagod? Wala!

17 Buong buhay niya, kumakain siya nang hindi nalalaman
    ang kahihinatnat niya sa mga susunod na araw,
    Buhay niya’y puno ng kalungkutan, sakit at poot

18 Eto ang aking napagtanto: Mainam at tama lang na ang isang tao ay kumain, uminom at masiyahan sa perang pinaghirapan at kinikita niya sa tanan ng buhay niyang ipinahiram sa kanya ng Diyos, dahil ito ang talagang nakatakda para sa kanya.

May mga taong binigyan ng Diyos ng kayamanan at kasaganahan. Di lang yon, nabigyan rin siya ng kakayahang magalak, matuwa at makontento sa buhay, sa trabaho, at sa lahat ng mayroon siya –Ito ang tunay na biyaya ng Diyos.

Hindi na niya iisipin pa kung gaano kahirap ang naging buhay niya, kung anu-anong hinagpis at kalungkutan ang dinanas niya sa nakaraan, dahil pinuno siya ng Diyos ng galak. Araw-araw siya’y abala sa pagiging Masaya.

Some Notes:
  • Lately, it’s hard to find people who really mean what they say. That includes me. I sometimes find it hard to keep my word. But in this chapter, Wisdom reminds us the importance of being bound by our words.
  • Be careful when you make a promise to God. He takes every promise into account. It is a sin not to mean words and not to fulfill promises.
  • It is even better not to promise at all!
  • We need to think thoroughly and to plan carefully the promises we will make. We need to think before we speak.
  • The Lord will be furious and He will find us foolish if we do otherwise.
  • Empty words will not give results. But when we fear God, we will mean what we say and when we mean what we say, results are birthed!
  • Oppression originates inside the government /management –higher officials oppressing lower ones. It’s already a part of the political system. This will help you understand why most bosses are kind of oppressive.
  • Solomon reminds us the importance of paying your taxes. It is wise to do so. Remember, Jesus did the same.
  • Money should never run your life. Never put your trust in money. It can turn you into a monster or it can betray you and leave you desparate.
  • Contentment and enjoyment are profitable gifts from God. It is better to pray for them than for money and other worldly things.
  • When you are contented with what you have, with where you are, you can enjoy your life as a whole. Not the worldly definition of enjoy but the deeper meaning of enjoy –to be satisfied and happy in all areas of your life.
  • When you are busy enjoying your life, your family, your work, your friends, you will have no time to meditate or dwell on your past or on bad memories. This is a healthy, life-extending activity.    

No comments:

Post a Comment