Lahat ay may Takdang Panahon
1 Ang lahat ay may takdang panahon,
May panahon sa lahat ng nangyayari sa mundo:
2 May panahon para manganak,
may panahon para mamatay;
May tamang oras ng pag-tanim,
at tamang oras ng pag-ani;
may panahon para mamatay;
May tamang oras ng pag-tanim,
at tamang oras ng pag-ani;
3 May panahon para kumitil, (war)
may panahon sa paghilom;
May tamang oras ng pagwasak,
may tamang oras ng pagbuo;
may panahon sa paghilom;
May tamang oras ng pagwasak,
may tamang oras ng pagbuo;
4 May panahon sa pag-iyak,
may panahon sa pagtawa;
May tamang oras sa pighati,
may tamang oras sa kasiyahan;
may panahon sa pagtawa;
May tamang oras sa pighati,
may tamang oras sa kasiyahan;
5 May panahon sa pag-husga,
may panahon sa pag-unawa;
May tamang oras sa pagyakap,
may tamang oras sa pagtulak;
may panahon sa pag-unawa;
May tamang oras sa pagyakap,
may tamang oras sa pagtulak;
6 May panahon magdagdag,
may panahon magbawas;
May tamang oras magtago,
may tamang oras magtapon
may panahon magbawas;
May tamang oras magtago,
may tamang oras magtapon
7 May panahon pumunit,
may panahon sa pagtahi;
May tamang oras manahimik,
may tamang oras magsalita;
may panahon sa pagtahi;
May tamang oras manahimik,
may tamang oras magsalita;
8 May panahon magmahal,
may panahon ipagpaliban ang pagmamahal;
May tamang oras para magdeklara ng gera,
may tamang oras para magdeklara ng kapayapaan.
may panahon ipagpaliban ang pagmamahal;
May tamang oras para magdeklara ng gera,
may tamang oras para magdeklara ng kapayapaan.
Ang Trabahong Binigay ng Diyos
9 Ano ba ang napapala ng tao sa kanyang
pinagtatrabahuhan?
10 Ito marahil ang mabigat na trabahong
ipinataw ng Diyos sa mga tao upang sila ay may ginagawa araw-araw.
11 Sinadya ng Diyos na gawing
maganda, maayos. mapayapa, at mabuti ang lahat sa takdang oras at hindi kung kailan natin nais.
Sinadya ng Diyos na bulagin tayo sa ating hinaharap, sa kung
anu man ang ating kahihinatnan sa huli para hindi tayo dumepende sa sariling
talino at galing.
Na hindi natin tunay na alam ang susunod na mangyayari
Na tayo ay dapat manatiling nakadepende sa Kanya at magtiwala
sa plano Niya para sa ating buhay.
Nasa sa atin yun kung sasayangin natin ang ating
araw-araw kaka-isip ng hinaharap.
12 Kaya naman masasabi kong walang mas
mabuti para sa tao kundi ang magsaya at makuntento sa buhay niya at gumawa ng
kabutihan habang siya’y may hininga pa.
13 Ang makakain, makainom at magamit ng
lubusan ang anu mang kinita niya sa pagtatrabaho ay biyaya galing sa Diyos.
14 Pagkat alam kong anu man
ang
napagdesisyonang gawin ng Diyos
Ay mananatili magpakailanman
Walang maidadagdag. Walang maibabawas.
Hindi maiiba.
Sinadya Niya ito upang malaman natin
ang ating lugar,
At matutong sumamba, sumuko at rumespeto sa Kanya.
15Ano
man ang meron sa buhay mo ngayon,
iyan na ang itinaguyod ng Diyos dati pa
Ano man ang sa susunod na araw
ay naitaguyod
narin ng Diyos sa simula palang
At sa huli, hihingi ang Diyos ng
pagsasalaysay
sa kung paano mo piniling mabuhay
taglay ang katotohanan na
hindi mo
hawak ang iyong buhay
Na hindi mo hawak at pagmamay-ari ang iyong
bukas!
Ang Di-Makatarungan ay ang pawang nananaig
16 At eto pa ang iba ko pang natuklasan:
Sa hukuman ng hustisya,
nakiki-upo ang masasamang budhi
Kung saan nananahan ang mga tuwid
nakikitira ang katampalasan.
Sa hukuman ng hustisya,
nakiki-upo ang masasamang budhi
Kung saan nananahan ang mga tuwid
nakikitira ang katampalasan.
17 Sinabi ko sa sarili ko,
“ Huhusgahan ng Diyos ang tuwid at ang masama.
Dahil nga may nakatakdang panahon para sa lahat,
“ Huhusgahan ng Diyos ang tuwid at ang masama.
Dahil nga may nakatakdang panahon para sa lahat,
may nakatakdang panahon sa pagsasalaysay
at sa Paghuhukom.
18 Sinabi ko sa sarili ko, “Itong kundisyon
ng sangkatauhan ay pagsubok galing sa Diyos. Upang maisip nila na sa sarili
lang nila, wala silang pinagkaiba sa mga
hayop. Ang ipinagmamalaki nilang moralidad, kung ano ang wasto at hindi, ay
nababaluktot rin para sa pansariling kapakanan. Na gaya ng hayop, kumakain ng
kapwa hayop.
Parehas silang namamatay at bumabalik sa abo. Parehas
lang ang hanging hinihinga. Parehas nasa ilalim ng mga panahon na itinakda ng
Diyos.
Wala sila talagang kalamangan kumpara sa mga hayop.
Walang nakaka-alam kung ang kaluluwa ng tao ay
pumupunta pataas at ang kaluluwa ng hayop pababa."
Kaya sa akin, kesa sayangin mo ang panahon kakaisip at
kaka-manipula ng mga bagay na hindi mo talaga hawak, mas mabuti parin para sa
tao ang magalak at makontento sa kung anong meron siya at sa kung anong mga nagawa
niya ngayon dahil ito ang naitakdang ibigay para sa kanya.
Sapagkat sino ang makakabuhay sa kanya muli upang makita
ang mga mangyayari pa matapos siyang mamatay?
Some Notes:
- The whole chapter is about God’s timing.
- He has the authority in ordaining the right time for all activities on earth.
- No one can question Him as to why or when.
- The creatures living under the sun abide by God’s timing whether they like it or not.
- We need to learn how to live by God’s timing.
- We do not have the ability to see the future. We need to trust God and learn how to be contented with where He has placed us. After all, wala ka namang magagawa para mabago ang tinakda Niya.
- We should not question God with whatever is happening in our lives, good or bad. He has a plan for us, a plan to prosper us and not to harm us.
- Verse 10 is striking for me. It suggests that whatever is our job is an ordinance from God. To work nine hours a day or more is designed by the Lord to keep us busy for the day. Why does He want us to be busy? Probably because an idle mind is the playground of the enemy. (This answers my complaint.)
No comments:
Post a Comment