Tuesday, November 22, 2011

Kabanata 10

 Sinisira ng mga patay na langaw ang amoy ng pabango,
      Kapag naghalo ay naglalabas ng maalingasaw na amoy;
 Ganoon rin sa taong marunong at respetado
      na gumagawa ng kaunting kahangalan 
      at kaunting kasalanan.
      
2 Ang marunong na tao’y sinusunod ang kanyang puso,
      Ang hangal ay hindi ito pinapakinggan.
      
3 Kahit na makisabay ang hangal sa mga marurunong,
      Sa ganoong gawain siya’y tunay 
      na kulang sa kaalaman,
   Halatang –halata na siya’y isang hangal 
      sa kanyang pakikisabay.
      
4 Kapag nagalit ang isang taong mas mataas sa’yo,
      Huwag magulantang at huwag magpadala sa emosyon;
  Dahil ang mahinahon na pagsagot at pagsang-ayon
      ay nagpapakalma ng matitinding galit.
      
 5 May nakita akong kalupitan sa ilalim ng araw,
      Isang kamalian ng namumuno at nagtatalaga:
      
6 Sa mataas na posisyon natatalaga 
      ang mga hangal at isip-bata,
   Dahil sa kanilang gutom sa katanyagan at karangyaan;
      Samantalang ang mga yumaman sa sipag at tiyaga
      Na siyang dapat nasa itaas
      ay nakukuntento sa mabababang posisyon.
      
7 Silang walang pera ang siyang namumuhay 
      na parang mayaman, 
  Ngunit silang anak ng mayayaman 
      na napalaki ng mahusay
  ay nagpapakababa na parang mahirap.
      
8 Siyang nagpapaka-taas sa pamamagitan 
     ng pagpapa-baba sa iba
     ay mahuhulog sa sarili niyang hukay,
  At siyang nakiki-alam sa mga bagay 
     na hindi niya dapat  pinapaki-alaman
     ay mapapasama.
      
9  Siyang nag-aalis ng bato sa daan ay masasaktan,
      Gayon din sa taong ayaw mahirapan;
   Nanganganib masaktan ang taong naghahati ng kahoy
     para ito’y lumiit dahil mas madaling gamitin,    
     Gayon din sa taong palaging gustong madali at mabilis
      
10 Kapag ang palakol ay mapurol,
        At hindi ito pinapatalas,
        ang gagamit nito ay kailangan 
        maglabas ng dobleng pwersa;
    Kaya patalasin ang utak,
       Upang mapadali ang trabaho.
      
11 Madalas nanunuklaw ang ahas kapag hindi nahahalina;
        Gaya ng ahas, ganun rin ang taong madaldal.
      
12 Mabait at magalang makipag-usap ang marunong,
      Subalit ang bibig ng hangal ang laging nagdadala sa kanya ng problema
      
13 Sinisimulan niya sa walang kwentang bagay,
      Tinatapos sa kalokohan.
      
14 Masyadong maraming sinasabi ang mga hangal.
      Pati sa mga bagay na walang sinuman 
        ang makaka-alam;
      Tinatalak niya na parang alam niya.
      
15 Pinoproblema ng hangal ang bawat trabaho niya,
      Dahil hindi niya alam kung pano hanapin
    Ang mga bagay na makakatulong sa kanya sa siyudad
      kung saan naroon ang maraming bilihan!
      

16 Kaawa-awa ka, lupain, kapag ang hari mo ay asal-bata
       At parang bata na hindi kayang tulungan ang sarili, 
       kailangan pa ng gabay
    At ang mga namumuno kasama niya ay nag-pipista
       Sa oras ng pagtatrabaho!
      
17 Pinagpala ka, lupain, kapag ang hari mo 
       ay napalaki ng maayos,
       may sariling prinsipyo at paninindigan,
    At ang mga namumuno kasama niya 
        ay nagpipista sa tamang oras—
    Para kumuha ng lakas at pag-asa 
       at hindi para lang sa kalasingan!
      
18 Sa katamaran kaya nagluluma ang gusali;
        Dahil sa walang ginagawa, walang nangyayari, 
         walang pagbabago
    kaya nasisira ang pamamalakad.
      
19 Ang pista ay kailangan para sa kasiyahan,
       Gayun din ang alak;
    Subalit pera parin ang mas kailangan
        para mabuhay sa mundong ibabaw.
      

20 Huwag manira ng mga namumuno, maski sa isip lang;
      Huwag magsabi ng masama sa mga may pera, 
       maski sa sarili mong kwarto;
    Dahil baka may makarinig at siguradong 
      ito’y makakarating sa kanila,
      Intensyon man nilang sabihin o di kaya’y nadulas lang
      
   Para silang ibon na nandyan lang sa tabi-tabi 
      at naghahanap ng pagkain.
   Sila’y lilipad sa ibang lugar dala ang dumi 
      galing sa lupang kanilang tinapakan.

Some Notes:

  • Reputation takes years to build but it only takes a few seconds to destroy.
  • It is nice to hear that it is wise to listen to your heart. This is not the heart that talks of the flesh. This is the heart that has the God-like traits. The heart is mostly manifested through what we call “conscience.”
  •  Nangyari na sa’kin ang masigawan ng boss. And the tendency, most of the time, is to stand what we think is right, therefore we find ourselves trying to overrule our superiors. If not, we speak ill of them with our peers.
  • Wisdom says if someone of power became furious because of something you said or did, you should remain calm. Do not let emotions overwhelm you. Swallow your pride. Talk to your superior as peacefully as possible. Agree with them even if they are wrong. In your mind, now is not the right time para pagsabihan siya. What God wants from us is to keep the respect for our superiors.
  • It makes sense why most of the people in higher positions are immature inside and why people who grew in humility prefer lower positions. Immaturity has pride as their adviser. Pride wants more. Pride lusts for power and recognition and fame and riches.
  • I’m not saying all of those who are up there are immature. There are still those few who, because of their wisdom (which brings humility), were promoted by God and by men.
  • Verse 7 are the social climbers of today. Talagang wala nang bago sa ilalim ng araw!
  • You will never make it in life if you always want it easy and quick. Shortcuts are the longcuts of life.
  • Verse 10 is the foundation for the advancements we enjoy now. Technology is from God as wisdom and knowledge only comes from Him. It is wise to get a hold of that!
  • It is foolish to think that you can do tasks all on your own. (Ouch!) You need wisdom in order to know where you can get the equipments that will help you in your task. You need humility to enable you to ask for help.
  •  Blessed is a country who is ruled by wise, mature leaders. I pray for more of them in my country where dynasty is prevalent.
  • If you do not want to get in trouble, learn the great art of shutting up. It will save you a lot of trouble. 

No comments:

Post a Comment