Wednesday, November 16, 2011

Kabanata 6


Tayo’y Nilikhang May kakulangan
  
1-2 Ngunit may tao ring binigyan ng Diyos ng kayamanan, kasaganahan at karangalan upang hindi siya magkulang. Subalit hindi siya nabigyan ng kakayahang matuwa, magalak at makontento sa sarili niyang yaman.


Ang masaklap, ibang tao ang nakikinabang at nagagalak sa ibinigay ng Diyos sa kanya. Ito ay walang saysay! Isang trahedya! 

 3 May isang tao naman na nabiyayaan ng maraming anak at ng maraming taon. Ngunit hindi niya natikman ang pinaka-hahangad ng puso. 

Hindi niya nalaman kung ano talaga ang ikasasaya niya ng lubos, kung ano talaga ang gusto niyang gawin. Isang kakulangan na hindi man lang niya nalaman kung ano.

At dahil nga hindi niya alam kung paano niya gustong maalala ng mga tao, hindi siya nabigyan ng tamang libing.

Sinasabi ko sa inyo na daig pa siya ng sanggol na namatay matapos iluwal. 

4 Kahit man ang pagsilang ng sanggol ay sa wala  at umalis itong hindi napangalanan at hindi nasilayan ang mundong ibabaw,

5-6 hindi man nito nakita ang araw o naka-alam ng mga bagay-bagay, ang sanggol na ito ay may tiyak na kapayapaan at kapahingahan kaysa sa taong namuhay ng masagana at matagal ngunit namatay nang hindi nalalaman ang kulang sa kanyang puso.

Ano ang lamang ng taong ito sa sanggol na hindi na nasilayan ng araw? Di ba’t pareho lang silang namatay at bumalik sa lupa?
      
7 Ang tao’y nagpapakahirap magtrabaho 
       para may makain,
  Subalit sa sobrang trabaho, 
       ang puso’t kaluluwa naman ang nakakaligtaan,
  Walang oras para tanungin at isipin at hanapin
       ang tunay nitong ikaliligaya 
      
8 Ano nga ba ang lamang ng marunong sa hangal?
      Anu ba ang meron ang mahihirap
      at tila alam paano mamuhay?
      
9 Mas madaling makita ang hinahanap ng mata
      Kaysa hinahanap ng puso na mas mahalaga!
      Ito’y walang saysay.
      
10  May isang nilalang na sadyang nilikha 
          na may kakulangan sa puso.
     At may ipinangalan na sa kanya.
         Ang tawag sa kanya ay tao.
    At hindi na siya makaka-angal pa sa Diyos 
         patungkol sa kung pano siya nilika
   Dahil di-hamak na Siya’y lubos na makapangyarihan 
         kaysa sa tao.
      
11 Ang tao’y walang tigil sa kakahanap 
        sa kakulangang ito.
   At sa paghahanap, di naman natatagpuan,
        mas nagiging walang saysay ang buhay niya;
  Paano siya nakalamang sa ibang nilikha 
        na hindi nilikhang naghahanap?

12 Sino ba ang makapagsasabi kung ano ang talagang mabuti para sa buhay ng isang tao? Kung ano talaga ang ikaliligaya niya?

Para sa buhay niyang walang saysay na parang anino lang na dumaan.

Sinong makakapagsabi sa kanya kung ano ang mangyayari sa mundo matapos siya mamatay?

Some Notes:
  • Earthly prosperity is not everything. Without prosperity in the soul, an infant who died after birth is better off than us.
  • Contentment, enjoyment and peace of mind are some of the intangible things that make a soul rich. They cannot be bought. They are prayed for.
  • Look at a beautiful chair. No matter how beautiful it is, it is still incomplete. Until a person sits on it will the chair be able to serve its purpose.
  • The chair can be compared to a human being. We are created incomplete. But unlike the chair, we feel that incompleteness.
  • Each of us are created for a purpose. Until we know our purpose, we will always feel useless and empty. If not now, sooner or later.
  • It is human to look for a purpose in life. We were made that way.
  • However, our purpose is not something we know when we are a child nor is it easily discovered.
  • When we look for our purpose from the wrong sources, our life becomes even more meaningless.
  • Purpose can only be found from the one who made us. Pinocchio did not know why he exists. But his creator does.
  • The question is, do you believe you are created? Do you know your Creator, the real One?
  • It is tragic to die not knowing your purpose in life regardless if you are rich or not.
  • A rich person may say “Well, at least I died in style.” You’re still dead! But he who finds his purpose in God will live eternally.  
  • Knowing your purpose and being able to complete it makes one really happy, contented and peaceful in his life. 
  • Being able to do your purpose will enable you to greet death like an old friend.
  • Remember that purpose is not for one’s self. A chair was not made for itself. It was made for others. So get a clue from that example. A life lived to achieve a selfish dream (e.g. to be rich, to be famous) is not a purposeful life at all.

2 comments:

  1. Yes, blessed are those who have prayed for and found their purpose, for they shall live in joy discovering grace!

    ReplyDelete